Ang Paborito Kong Guro

Ang paborito kong guro

Ay si Doktora Canindo

Magaan ang buhay ko

Kapag siya na ang nagturo

 –

Subject naming sa kanya noon ay history

Ang mga kaklase ko lagi siyang pinupuri

Kilala nga raw siya ng guard sa Jollibee

‘Pagkat ang guro’ng ito ay ma-beauty at witty

Naalala ko pa ang ilang mga kaganapan

Sa aming magandang silid-aralan

Ibat-ibang uri ng kalokohan

Na nagdudulot sa’min ng katatawanan

Minsan itong si Dok Roni,tatawagin sana niya

Nunal naman ang napansin ng paborito kong maestra

“Iho!” “Iho!” ika niya sabay turo sa tabi ng kanyang mata

Sa kaliwang bahagi kung saan nunal ay makikita

 –

Kaming mga magkakaklase,tawa tuloy ng tawa

Tawag tuloy naming kay Dok Roni,Iho Iho na

Ngunit ‘di ko na makikita mala Piolo’ng nunal niya,

Pagkat si ‘Iho!Iho!’ sa America na nakatira

Ito namang si Hannah,hindi yata noon mapakali

Gusto niyang lumabas,pintuan sa harap napili

Bigla-bigla nalang nakadinig kami ng tili

Mula sa aming guro’ng naipit pala ang daliri

Lahat tuloy kami ay napagalitan

Daliri sa kamay muntik na daw siyang maputulan

Ipinagbawal tuloy niya paglabas sa harap na pintuan

Upang sa gayon daliri niya ay ‘di matuluyan

 –

Minsan naman habang kami ay nagsusulit

Napansin ng guro si Hannah na makulit

‘Flute yun iha!Flute!” sabi niya ng paulit-ulit

Magpapaliwanang sana si Hannah ngunit ‘di na nakasingit

Hallah si Hannah naka strike two na!

Maaaring ang guro sa grado ay bawian siya

Subalit sa history si Hannah ay pumasa

Itong aming guro,mabait naman pala

 –

Tuwing may pagsusulit ganito ang senaryo

One seat apart ipinatutupad niyang istrikto

Mga itatanong niya wala siyang kodigo

‘Pagkat lahat ng ito kanya raw saulado

Habang may exam itinuro niya ang aking paa

Tanong sa isip ko bakit ano kayang problema?

Iyon pala pang nakapatong sa stage ayaw niya

Kaya’t huwag akong gayahin kung ayaw mong masita

Ngayong ako’y nagtapos na,’di ko na siya makikita

Namimiss ko tuloy paborito kong maestra

Tuwing naiisip nakatutuwang karanasan sa kanya

Napapangiti na lamang ako ng mag-isa

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s