Bilin Ni Lola Basyang

Noong musmos pa ako,mahilig akong maglaro

Lagi akong nasa kalye,kasama’y mga kaibigan ko

Kami’y naghahabulan, takbo doon takbo dito

Nagtatagu-taguan,soy-ba-soy at patintero

Noong bata pa,sa matatanda’y magalang ako

Kapag nakikipag-usap gamit ko ay po at opo

Tuwing darating agad akong nagmamano

Bago umalis,nagpapaalam muna kay lolo

 –

Nang magdalaga,suot angkop at konserbatiba

Lagi dapat maayos sa bawat pananalita

‘Pagkat ito ang tutularan ng mga bata

Sa mata pa man din nila,lahat ay mistulang tama

 –

Nang ako’y magkaedad at ngayon ay matanda na

Mga aral na natutunan,ibinabahagi sa iba

Ang susunod na henerasyon,ginagabayan sa tuwina

Upang mapangalagaan mahal nating kultura

Mga musmos ngayon,mahilig ding maglaro

Hindi nga lang sa lansangan kundi sa ipad na hawak nito

Makikilala pa kaya niya mga larong Pilipino

Ngayong nagsisimula ng malimutan mga larong kinagiliwan ko

Mga bata naman kung itrato ang magulang

Minsan ay magalang, kadalasan sagot ay pabalang

Tanong tunay sa sarili ng ina, “Saan ba ako nagkulang?”

“Bakit ang anak ko,lumaking walang galang?”

 –

Ang mga dalaga talaga namang ibang-iba na

Suot ay sobrang iksi kita na ang ‘di dapat makita

Karamihan tuloy ng dalaga ay napapariwara

Bihira ka ng makakita ng kilos ng dalagang Filipina

 –

Ano ba ang nangyayari sa henerasyon ngayon?

Nagbago na sila at nakiayon sa panahon

Kultura natin dapat pagyamanin at iahon

At huwag basta-basta nalang sumunod sa alon

 –

Sariling atin nararapat tangkilikin

Magagandang asal dapat na panatilihin

Mabubuting katuruan ‘wag sanang limutin

Ito ang bilin ni lola Basyang sa atin

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s