Hintay

Habang nakatambay dito sa aming beranda

Isang dalagang nakascrubsuit aking nakita

Naningkit aking mata, inggit ay nadama

Sa aking isip nasambit, “Lord, buti pa siya!”

 –

Hindi ko maiwasang hindi isipin

Bakit ang trabaho’y mailap sa akin

Ginawa ko naman lahat ng dapat gawin

Araw’t gabi sa Diyos ako’y nananalangin

 –

Sa dinami-dami ng mga nars na applikante

Iilan lamang naman posisyon na bakante

Karamihan tuloy nagbibilang nalang ng poste

Sa halip na mag-alaga may sakit na pasyente

 –

Tinatanong ko amang Diyos sa langit

Bakit ganito ang siyang aking sinapit?

Ngunit habang binubuklat Bibliya kong maliit

Nabasa ko ang sagot niyang, “ Anak, maghintay ka lang saglit”

 –

Kaya’t sa mga katulad kong nag-aabang ng puwesto

Hintay lang ng kaunti mahal na kaibigan ko

Darating din ang tamang oras para sa aki’t iyo

Sa panahong itinalaga ng Diyos,lahat magiging perpekto

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s