Huwag Mo Akong Tanungin

‘Wag mo akong tanungin

Alin man sa mga ito

‘Di ko yan sasagutin

Mabuti ng magkasundo tayo

‘Wag mo akong tanungin,

“Saan ka nagtatrabaho?”

Matagal ko ng panalangin

Masagot ko ang tanong mo

“Di mo ba nakikita

 Busy-busyhan ang lola mo

Abalang makahanap na

Nang trabahong tinatanong mo

‘Wag mo akong tanungin,

“Miss pa’no ba pumunta dito?’

Sabay pakita sa akin

Adres na sinulat mo

Hindi ko rin alam

Hindi ko kabisado ang mundo

Pasensiya na at paalam

 May gagawin pa ako

‘Wag mo akong tanungin

“Sino ang boyfriend mo?”

Kasintahan ba ay aanhin?

Ni sweldo nga wala ako

‘Wag mo akong tanungin

“Anong magandang pelikula?”

Wrestling nalang pag-usapan natin

Tiyak iupdate lagi kita

‘Wag mo akong tanungin

“Bakit ang taba mo na?”

Metabolismo ko’y ‘di matulin

Sorry naman diba?

‘Wag mo akong tanungin

“Ilang taon ka na?’

‘Di mo ba pansin?

Mukha na ba akong singkwenta?

Ngayon alam mo na

Sa aki’y ‘di dapat banggitin

Sa susunod na tayo’y magkita

‘Wag mo ako niyang tanungin!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s