Posted in Bloopers

Si Yam Yam at Ako

Nung muntik muntikan na kaming pumasok ni yam sa CR ng mga lalaki…

67713_526555424022221_1308187571_n

390985_326882164000513_1300335002_n

Sinamahan ko si Yam na kumuha ng kanyang PRC license. Sa kasamaang palad nawala ang kanilang mga picture kaya nagpasa ulit siya ng passport size pic niya.Buti nalang may spare siya. Ang sabi sa kanila bumalik nalang daw ng alas tres para makuha ang ID.

Napagpasyahan naminĀ  na pumunta muna ng SM Manila pampalipas ng oras. Ayon, nagtingin tingin siya ng sapatos para daw sa seminar ng PNA sa Tarlac kinabukasan.Bongga ang lola mo at bibili pa talaga ng shoes para sa isang araw na convention!

Pagkabili namin ng shoes kumain kami sa Greenwich.Nilibre ako ni Yam!Hahaha.Ang bait eh!After nun nagpunta kami sa Lay Bare para magpabeauty siya.Madaming beauty secrets si Yam Yam.overrrr!

At eno na,dahil nawiwiwi kami, pumunta kami sa Ground Floor.Matapos mag-pee,lumabas na kami.At ewan ko ba naman sa pamunuan ng SM Manila kung bakit ba naman ganun ang set-up ng restroom ng boys at girls!(sa Ground Floor lang ‘to huh!).Try niyo minsan nakakalito talaga.Ang akala naming hallway ay CR pala ng mga boys!!Grabe pa sa OVERRRRR!Wala man lang ni isa sa amin ni Yam ang nakapansin.Buti nalang nandun si kuyang naglilinis,hinarang kami at sinabi niya “Ay dun po ang daan maam!”.

Shucks nakakahiya!Mabilis kaming naglakad sa kabilang dako habang takip ng palad ang aming mukha pulang-pula sa katatawa.Kakaibang experience to, man!Kung wala si kuyang janitor baka kung ano na ang nangyari.Ayokong isipin.Ikamamatay ko sa hiya yun!Hanggang sa pag-uwi may hang-over parin kami sa nangyari.

ImageLESSON LEARNED:Maging mapagmatyag.Magbasa.Siguraduhing tamang daan ang inyong tinatahak at tamang pintuan ang inyong papasukin.Oh Ha?

Advertisements